Thursday, March 15, 2012

Tatlong Klase ng Tao sa Mundo

May TATLONG Klase ng tao sa mundo.

OO. Meron, anak ng tokwa.
  
So, bago ko ilahad,

Kalimutan mo muna ang problema mo,

At buksan ang isipan,

Lalo na kung,

Balat Sibuyas ka.

Kung may kaaway ka sa ngayon,

O...

kahit na...

Maayos ang buhay mo - sa ngayon. 

Hmmm...

"Gaya Nito"

NGUMITI KA MUNA,  Gaya nito. Saktong saktong lang. Chill na chill. Walang iniisip. Handang makinig. Hindi mo nga lang alam kung may masamang binabalak.


So...sisimulan ko na. 


Ang unang klase ng tao sa mundo, 


AY:


1. Yu'ng tao na...

kahit anong mangyari, papanig sa'yo at hindi ka iiwanan. Kahit magkandagago - gago ang buhay mo, at kung ano ano nang kaletsehan ang nangyari sa'yo, andyan pa rin sya. Tapat sa'yo. Nako, pare, bihira ang mga ganitong tao. At kahit, siraan ka pa ng lahat ng kapitbahay mo, o ng kahit na sino, HINDI NYA PANINIWALAAN dahil SOLID sya sa'yo. Ito ang mga dapat mong hanapin, kung maari. Kung magalit man sya sa'yo, yu'n ay dahil gusto niyang baguhin mo ang ginagawa mo. Kung may mga ganito kang kaibigan, INGATAN MONG MAIGI. Mas Mahalaga sila sa pera, at sa kahit anong bagay na kumikislap.

2. Yu'ng tao na...

kahit anong mangyari at kahit anong gawin mo, ay AYAW niya sa'yo. Yu'ng tipong nagawa mo na lahat para magustuhan ka niya, ayaw niya pa rin. Ito yu'ng mga putang inang tao sa buhay na iiwasan mo. Kapag nakakilala ka ng ganito, 'wag mo na masyadong pagtuunan ng pansin. Ikaw 'din, baka mabadtrip ka lang. O, mas malala, masira buhay mo. Lalo na kapag balat sibuyas ka, nako, iwasan mo 'to. Ito yu'ng mga kontrabida sa buhay mo, mga hinayupak na tao na gagawin lahat para ibagsak ka. Ang grupong ito ang may pinakamaraming poplusyon. So...mag-ingat, anak ng tokwa. SILA YU'NG MAY PINAKAMAKITID NA PAG-IISIP. MAKITID. MAKITID. MAKITID. Miske karayom, 'di lulusot. Mag - ingat. Pero hindi mo rin maiiwasan ang mga ganitong tao, kaya, aralin mo na rin kung paano sila "ihahandle"

3. Yu'ng tao na...

Balimbing.  Marami 'ding ganitong tao sa mundo. Minsan, gusto ka, minsan hindi. Kulang na lang, tanungin mo, Punyeta, ano ba talaga? Sa'n ka ba talaga? Marahil, maraming beses na maiirita ka sa kanila, pero ang maganda sa mga ganitong tao, kahit anong mangyari, mamkukumbinsi mo silang pumanig sa'yo, o magustuhan ka. Hindi kamukha nu'ng mga demonyong tao sa no. 2 na kahit anong gawin mo, eh walang mangyayari.

Bilang pagtatapos, gusto kong sabihin na, kung sino man, ang mga taong nakapaligid sa ating buhay, mabuti, masama o balimbing...ang mga taong ito ay ang mga sangkap na humuhubog sa ating pagkatao. Kung ayaw mo o gusto mo silang iwasan o kung ano mang gusto mong gawin sa kanila, ('wag ka lang papatay, magnanakaw o kahit anong brutal na krimen, anak ng tokwa) ok lang yu'n, may free will ka eh. Mamili ka. 

Kaya maraming tao ang nag-aaway at nagpapatayan ay dahil nagkakatapakan na sila; nawawala na yu'ng kalayaan nila para piliin kung ano ang gusto nilang gawin. Mahirap makisama sa mga taong makikitid mag-isip, yu'ng hindi kayang tanggapin ang sariling pagkakamali. Ang lahat ng ito, ay base sa opinyon ko. Kaya, kahit anong reaksyon mo, ok lang, walang mangyayaring masama. Basta, lahat tayo, dapat maging bukas ang isipan. Tao lang tayong lahat, kahit gaano ka kaganda, kapangit, kayaman, kahirap, may pinag-aralan o wala at kung ano pang maisip mo, tao ka lang. Nagkakamali.

Salamat. At tandaan, 'wag kang balat sibuyas, tang'na!